Sunday, July 5, 2009

Kasalukuyan

Habang naglalakad sa mausok na daan,
pagmasdan ang mga bagay-bagay sa kapaligiran
at makikita ang ating mahal na kalikasan
ngayo'y naghihinalo sa kasalukuyan...

Habang tinatanaw ang mga kanto sa tambayan,
makikita ang mga taong pinaka-maingat sa kalakalan
akala mo santo, un pala'y holdaper-snatser naman
sila'y nagkaganto dahil sa paggipit ng kasalukuyan..

Habang pinag-aaralan ang mga namumuno sa bayan,
makikita na ilan lang ang di tumatapak sa katiwalian,
binubuo nila ang gobyernong republika ng kalokohan
kawawang mga mamamayan, nagsusunod sunuran...

Habang pinapakinggan ang mga usapin sa bayan,
malalaman nating lumulubog ang ating sasakyan
dahil sa sobrang bigat ng ating mga kasalanan
bkt di nalang magtulongan para sa kasalukuyan..

Habang hinihintay naman ang mga kabataan,
kumakaripas ng takbo ang kamalasan sa bayan
dumarame ang nasa hanay ng ngsisibagsakan
yan ang katunayan sa kasalukuyan..

Masakit mang isipin, mahirap mang tanggapin..
ngunit bago mahuli ang lahat at muling maging alipin
sa kasalukuyan, ngayon ay umpisahan na natin..
tunay na pagtutulungan,pagsisikap at pagbabago...

Dahil ito ang Pilipinas natin..