Thursday, July 29, 2010

Kumilos Na

Nais mo ba sanang lumaban?,
ngunit di mo alam kung paano sisimulan
napakarami namang humahadlang
kahit sa unang hakbang palang?

Marami kang tunay na kaibigan,
na maaring iyong sandalan.
Ngunit gusto mo ba sanang magtagumpay,
sa pamamagitan ng iyong mga kamay?

Yan ay iyong sariling laban,
pagsubok na dapat mong malagpasan.
Ngunit bakit ika'y lubos na naghihirap?
Kulang ba ang iyong pagsisikap?

Alam mo ang dapat mong gawin
at ang tamang landas na tatahakin.
Ngunit bakit di parin pagbutihin
at mga malalabo ay iyong linawin?!

Kaibigan kung nais mong manalo
sa laban na ngayo'y hinaharap mo,
Eh bakit anjan ka't nakatunganga
sa harap ng iyong sariling problema?

Ikaw ba'y kasalukuyang naghihintay
sa mabilis na byahe patungong pagsisisi?