Thursday, August 20, 2009

Bumangon ka!

Bumangon ka!
Bumangon ka!



Tumataas na ang araw,
kaibigan di ka pa lumilitaw,..
Hindi mo ba nakikita
at bakit parang tulog kpa?


Hindi mo maintintndihan
ang mga nagyayari sa kasalukuyan,
dahil nakapikit ang iyong mga mata.
Bakit ba di mo pa imulat na?!


Nananatili sa madilim na kapaligaran
dahil sa tamad na matang ayaw buksan..
Nagsasayang ng mga mahahalagang oras
at mga pagkakataon ay pinapalagpas..


Bumangon ka!
Bumangon ka!


Hindi man masaya ang iyong kahapon,
Tumayo at asikasuhin ang ngayon,
upang mga mali'y di na maulit sa kinabukasan
at ikaw nama'y lumapit sa kaunlaran..


Bumangon ka!
Bumangon ka!


Huwag mawalan ng pag-asa
sa mga pagsubok ikaw ay papasa,
basta't sa iyong mga mali'y matuto,
tanggapina ng mali mo upang umasenso!


Bumangon ka!
Bumangon ka!


Ikaw ay tumayo sa pagkakadapa,
at mga suliranin ay iyong harapin,


Kaibigan bumangon ka!







***
Inay: Anong sabi ni mami?
Anak: NEVER SAY DIE!

--never say die! :D
sa wakas nabuhay din!hehe