Sunday, August 28, 2011

Long Distance


Tatlong buwan din tayong nagtiis magkalayo. Nagsumikap gumawa ng paraan upang makabawi sa mas mahabang panahon na tayo'y mag kawalay.



Mahigit limampung kilometrong agwat sa'yo. Long distance, pero malapit lang, dalawang oras na upo at muling magkakasama na tayo. Makakabalik tayo sa normal nating buhay, magkasama hanggang matapos ang araw. Makakapunta sa mga lugar kung saan magiging masaya, o kaya'y mas sasaya. Maiinis sa oras kung bakit ang bilis, na di man lang natin nagawa ang lahat ng nais gawin. Dali daling mag seset ulet ng tamang araw para ituloy ang kasiyahan. Magkakalayo ulit, malulungkot, pero dahil sa ideang muling magkakasama din, patuloy na lumaban sa mga pagsubok ng pagiging magkalayo. Hindi tayo mag kikita bukas, hindi sa makalawa, ngunit siguradong isa sa mga susunod na araw, o kahit sabihn mo ng sa mga susunod na linggo pag minalas, pero atleast magkikita parin.


Napatunayan naten na walang ibubuga ang layo sa tibay ng ating pagsasama.


Pero nuon yun, iba na ngayon..


Talagang sinusubok tayo ng pagkakataon. Mas malayong lugar, malayong malayong lugar at mas mahabang panahon ng paghihintay. Tama paghihintay, ngayon palang sisimulan ko ng ang pagbilang ng mga araw mula sa iyong pagbabalik sa susunod na taon, hindi para mas malungkot sa dami ng araw, linggo o buwang bibilangin ngunit para tumatak sa isipang magtatapos din ito.



Mahigit isang taong magiging malayo sa mahal ko, mahirap, pero kakayanin.




Naniniwala parin akong ang bawat paghhintay ay may kapalit na mabuting bagay. Magtulungan tayo, at maging mas positibo. Kung ano mang problema ang ating haharapin, maging matatag tayo, kampante akong kaya naten to.



Alam ko mula sa kinaroroonan mo, dinadamayan mo ako sa paghihintay sa muli nating pagsasama. Mahal na mahal kita. :)