Saturday, June 27, 2009

Totoo ba?

Konting sipag, pasensya, tulungan, pag-unawa, pagpaparaya at syemre pagmamahal..

Ilang lang yan sa mga pangunahing kelangan ng bawat magkapares sa isang relasyon. Oo, kailangan 2 party active di ba?hehe Panu nman lalakad ang mga sapatos kung isang paa lang ang hahakbang eh nu? Haay, pag-ibig..

Ayaw ko talaga sana magpost ng mga bagay tungkol sa pagibig eh, bkt? kasi kahit saan ka magpunta eh di nawawala ang topic na un -pagibig (break-ups, cool offs, love life atbp..), pero nasip ko, ganun pala talaga ang buhay ng nagmamahal, hindi lilipas ang oras na hindi ka nag-iisip ng paraan kung paano may mangyare sa inyo, ay este maayos ang bawat gawain nyo, para magpatuloy ang masayang pagsasama hindi ba? Pero bakit ganon, habang nagsisikap kang maipagpatuloy ng maayos ang inyong relasyon ay bumubuhos din ang mga problema, walang tigil na problema, minsan khit simpleng bagay lang tampuhan na. Ganun talaga di ba? Hindi ba't parte lang ng relationship ang mga pagsubok na kung malalagpasan ay mkakapag patibay sa pagmamahalan, pero kung hindi..diretso sa hiwalayan..hehe Basta, naniniwala ako, Walang problemang di naaayos.. :D

Ayun, tama na muna yan, puro question mark na muna kasi hindi pa expert eh?haha Wala nman ata talagang nagiging magaling at perfect sa pag ibig eh nu?haha pero xempre.. lahat pede maging better..^^

Ikaw, ano sa tingin mo? Totoo dba?



P.S.
Happy 18th monthsary mahal koh!
ay lab yu..
umaasa akong maipagpapatuloy naten to..
sana.. sana..

sabi nga ni Robin,
THINK POSITIVE!!


Saturday, June 13, 2009

Plaka


Nasubukan mo na bang suriin ang pag-ikot ng iyong plaka? Oo plaka, alam mo pa ba kung ano ito? o baka tuluyan ng nilamon ng banyaga ang isipan mo? Compact Disk or CD kung tawagin sa panahon ngayon, isa sa mga madalas gamitin ng mga kabataan sa maraming bagay.

Ang buhay natin ay parang isang plaka hindi ba? Maaari mang i-pause/stop ito'y pagnaisalang sa player ay tuloy-tuloy ng iikot hanggang marating ang huling parte ng kwento na tulad ng di mapigilang pagtanda ng bawat tao mula sa araw ng kapanganakan. Habang tumatagal ang pag-ikot ay lalong umiinit ang mga pangyayare at lalong nagiging kapanapanabik ang mga susunod na kwento na parang ang mga problema natin na mas nagiging kumplikado ngunit mas masayang pag-aralan kung paano lulutasin. Sa bawat pagtigil ng palabas dahil sa dumi ay may pupunas at ibabalik ito sa maayos na pagikot, na parang ang ating mga mahal sa buhay na laging asa tabi na natin upang tumulong sa paglutas ng ating problema. At xempre ang lahat ng plaka, ano mang ang anyo, ay may isang natatanging tao na nagmamay-ari dito tulad nlang sa pagkakaroon naten ng pinakamamahal na gagabay sa ating buhay at di tau pababayaan anu man ang mangyare. O hindi ba? simpleng bagay pero kung susuriin ay maaring maging napakaimportante, ikaw kaibigan?, ^^

Kumusta ang ikot ng iyong plaka?

Friday, June 12, 2009

Seamless na!!

Seamless na! yan ang sigaw ng yumaong master rapper, isang salitang nangangahulugang malaya na. Bilang pag gunita sa ating araw ng paglaya naisip kong magsulat ukol dito, Maligayang bati Pinas!

Ilang dekada na din ang nakalipas ng iwagay-way ang ating bandila kasabay ng pag-anunsyo ng ating kalayaan. Matapos ang mabagal na paglipas ng mga araw na tayo ay kontrolado ng mga dayuhan at pagpasapasahan ng mga mananakop. Ilang taon na din ang nakalipas ng nagbunga ang mga pinaglaban ng ating mga bayani na di nag-alinlangang ibuwis ang kanilang mga buhay para sa ikabubuti naten, at upang mkamit ang kalayaan. Matagal na panahon na din ang nakalipas.. at ngayon, heto nanaman at ating ginugunita ang araw ng ating paglaya. Maraming salamat sa ating mga bayani na di sumuko at gnawa ang lahat para sa ating bayan, para sa atin.

Pagkakaisa,magaling na pinuno, pag-uunawaan, at ang kagustuhang maabot ang kaunlaran - ilan lang yan sa mg kinailangan ng ating mga bayani para maipagpatuloy ang laban para sa bayan, at ngayon, dyan din tau ngkukulang,. Wag sana nateng balewalain ang mga pinaghirapan ng ating mga ninuno, itaguyod natin ang ating bandila tungo sa pag-asenso at magtiwala tau sa ating mga sarili na bawat isa ay may maitutulong,. sabi nga nila, AKO mismo, para sa ating lahat, TAYO na ang maging bagong bayani at tulungang ibangon ang bayan sa kahirapan upang sama-samang lasapin ang ginhawa ng kaunlaran sa ating kalayaan! Mga kaibigan, kapatid, kalahi at kapwa Pilipino, SEAMLESS NA!!!

Saturday, June 6, 2009

Sa aking pag-iisa..

Ilang araw na din ang nakalipas ng iwan ko ang ideyang ito sa pagigigng draft, matagal tagal bago nag level up eh. Habang iniisip ang pinaka mainam na paraan para mailabas ang mga ideya sa aking isipan, pinagmamasdan ko ang relo sa aking harapan. Mabilis ang ikot ng mga kamay at hindi ko namalayan ang mahigit isang oras kong pag-upo dito sa harapan ng kabigang computer. Ngunit ng napansin ang tuloy-tuloy na pagtakbo ng mga pointer sa orasan ay biglang naaiisip ko, ilang araw pa ba? ilang araw pa ba bago ko xa makikita?

Ilang araw na din ang nakalipas ng ihatid ko xa sa para sa bakasyon, kasabay ng lungkot sa paglayo nya ay ang aking pag-aakalang di magtatagal ang bakasyon na un. Habang dumadaan ang mga araw ay nararamdaman ko na ang aking pag-iisa, namumuhay malayo sa kinasanayang laging may kasama, laging ksama xa. Sa aking paghihintay ay lalong tumatagal ang mga araw na mas pinahirap ng problema namen sa komyunikasyon dahil sa aking kawalan ng telepono, uu tama ang nabasa mo, mabubuhay paren ang mga tang walang cellphone sa panahon ngaun,at mahirap ito..[based on experience,haha]. Habang nararamdaman ang hirap sa aming pagiging magkalayo ay mas muli pang pinahirap ng pagkakaroon namen ng kaunting di pag kakaintindihan, matapos ang isang araw na pag-inda sa sakit ng di pakikipag -usap sa taong mahal ko, tinanggap ko na ang aking pagkatalo, xempre, nagpapansin na ako,.[miss ko na talaga xa eh,^^].

Sa muling pagiging maayos ay nadama ko ang kasiyahan ng napagtanto na isang araw nalang magkikita na kami. "Sa wakas tapos na ang aking paghihirap, ito na ang aking pinakahihintay!" ang aking sigaw. Kumaripas ang takbo sa bahay upang magpadala ng mensahe sa chika. Ngunit pagdating ko sa bahay ay biglang napatigil sa breaking news sa TV. Sa pagnanais na kumalap ng mga balita at pangyayare sa mahal na bayan ay saglit na umupo ngunit biglang napatayo ng sabihing ililipat ang pasukan sa susunod na linggo. Di ko na nagawang tumawa, magdiwang o kahit ngumiti man lang, una kong naisip ang mas pinahabang paghihitay ko,pag-iisa na siguradong magiging malungkot dahil wala xa sa aking tabi. Bwisit na swine flu yan, di lang pla health ang inaapektohan, pati lovelyf.. :C eh talaga namang mahirap pag di mo makakasa ng matagal mahal mo dba? gf kung twagin ng iba..:D

Sigurado na akong di pa kame magkikita kung ganun nga, kaya't sa mga sumunod na araw ay ibinuhos ang kalungkutan sa kung ano-anong bagay. Saglit kong di naramdaman ang lungkot at pagkamiss sa mga panahong busy ako, ngunit muling nagimbal ang mundo kahapon ng pag-uwi ko pagkatapos nameng mgpakasaya sa basketball ng mabalitaan na andito pala xa, umakyat xa upang kumuha ng kaunting mga kagamitan para sa bakasyon, at ang masama dun, nang makarating sa akin ang balita ay uuwi na xa sa baba, dahil sa aking pagiging busy ay napalagpas ko ang pagkakataon upang kami ay magkita. Bumaon nlang sa aking isipan ang aking katangahan at sumigaw ng sayang!, wala na ako magagawa eh, oras na para umuwi. Kung hindi sana sa akin ay nakasama ko xa, at ito na nga, maghihintay nlang muli ako sa kanyang pagdating at sisiguraduhin ko ng andun ako para sunduin xa mula sa byahe, at walang oras na masasayang..^^


Sana nakinig nlang ako sa Gn'R, sabi nga nila, just have a little patience..

"Said woman take it slow
It'll work itself out fine
All we need is just a little patience
Said sugar make it slow
And we'll come together fine
All we need is just a little patience"

Friday, June 5, 2009

Gaano kahirap umintindi?

Gaano nga ba talaga kahirap umintindi?


Kung iintindihin naten lahat ng tao,
at mga pagkakaiba'y yayakapin natin,
tayo nga ba ay mapeperwisyo?
tayo nga ba ay lalamunin ng pang- aabuso?
sa ating bayan ano nga ba ang magiging epekto?

Kung ang buong mundo ay nagkakaintindihan.
Hiwa-hiwalay mang mga isla'y wala sanang alitan,
asaran sa inuman wala sanang pikunan,
tayong mga magkakaibigan wala sanang tampuhan,
sa anu mang lahi walang sanang diskriminasyon, laitan..

Kung lahat sana tayo ay nagkakaintindihan.
Ang lahat sa anumang bagay'y nagkakaunawaan.
Walang makakapigil sa sarap ng kasiyahan,
ang lahat ay matutuwa sa ating samahan,
iba't-ibang lahi pula,itim puti ay magmamahalan...

Upang lumaganap ang pagkakaintindihan
kelangan lang nating palawakin ang isipan,
matataas na pride simulan ng bawasan,
puso't isipay ihanda sa mga matututunan,
negatibong pananaw sa mga tao ating iwan..

Kasabay ng kagustuhan at buksan ang sarili,
sa iba't ibang kultura wag tumanggi,
mga lumang kaisipan madadagdagan ng natatangi.
Mga kaibigan hindi ba't kay dali?
Ngunit bakit kakaunti lang ang marunong umintindi?

Gano nga ba kahirap umuntindi?

Thursday, June 4, 2009

Tympers

Habang nakikinig sa pabugsobugsong sigaw ng hangin kasabay ng buhos ng ulan ay nakikipag laro ako sa isang napakahalagang tao sa aking buhay. Nililibang ang mga sarili upang kahit saglit man lang ay makalimutan ang pagkamiss sa isa't-isa. Habang lumalalim ang gabi'y nagiging mas masaya ang pag-uusap, habang pinagpapatuloy ay mas sumasarap ang aming paglalaro, kumbaga nagiging mas maaksyon - hindi na ordinaryo o basta-basta. Kasalukuyan kaming nag-sasaya ng biglang nalang akong napa "tympers!" at ilang segundong napatigil... At ito na nga, sasabihin ko na ang gusto kong iparating sa pahinang ito ng aking kwaderno,. bago pa magtagumpay ang mga maduduming pag-iisip niyo dahil sa mga naunang pangungusap.

Tympers... nung panahong naglalaro pa tayo ng out-catcher, touch the body,langit-lupa, hunting the rabbit at kung ano pang mga larong pambata yan. Sa bahay-bahayan ang alam ko wala nmang tympers dun eh,explore lang ng explore..hehe Kung di mo nasubukan laruin ang mga iyan ay isa ka sa mga lampang anak mayaman na nagmumukmok sa bahay sa dinami-dami ng laruan ngunit magisa nman, and you missed one half of your life.. Banggitin mo lang ang magic word na "tympers!" kasabay ng pagtaas ng hintuturo at gitnang daliri, parang peace.. ay ligtas kana sa kapahamakan tungo sa pagiging taya buong araw. Ginagawa mo din ba un? Kung maa-out na ay biglang nalang sisigaw, at makikipag debate habang hinihingal para lang di maging taya, kung oo,. isa ka sa mga nung panahong un ay, "wala pang anak-MAGULANG na." haha

Ang saya talaga maging bata, walang problema, walang responsibilidad at higit sa lahat, piso lang masaya na. Samantalang ngayon kung piso lang ang pero mo di mo pa maibili para manatili kang tao. Dahil kung wala ka ngang pera, di kana tao. Sa ngayon, bawat araw iniisip mo ang hinaharap kung pano ang magiging hampas ng kapalaran sayo,Kung gano man kaganda ang pangarap mo, pedeng ganun din kasakit ng ulo mo sa kakaisip kung pano mo ito maabot ng walang paltos. Sa isang mag aaral, hindi ka maaring masalubong ng mga guro mo kung palakol ang grado mo. At sa diname dame ng problemang pasan mo sa iyong balikat, makakapag pahinga ka sana kung mapapatigil mo lahat tulad ng dati.. kung sa isang iglap magkakaroon ka ng pagkakataon ayusin ang mga sitwasyon bago magpatuloy, dahil sa isang tympers!..

Kung pede lang sana mag-tympers ngayon..

Tuesday, June 2, 2009

Ang Karamdaman ni Ane

Kung makati ang kamay mo, ano b ang dapat mong gawin? Sabi nga ng mga tao sa DOH, proper hygiene lang ang pangunahing sagot sa lahat ng karamdaman, pati na sa lumalaganap na outbreak sa mundo ngaun, ang swine flu,-influenza H1N1 virus. Kaya ibig sabihin kung mkati ang kamay mu hu2gasan m lang dba?tama!

Eh panu qng ang tinutuloy kong kati ng kamay ay ndi kayang linisin ng sabon at tubig lamang,. Ang kati ng kamay n pagiging malikot.. at un na nga.. alam mo n.. tama ang iniisip m kaibigan,. Ang kati ng kamay n ndi dulot ng virus ang aking tinutukoy.. Sa aking pananaliksik at pagbabasa tungkol sa ganyang karamdaman, may nakilala ako..

Itago nlang naten xa sa pangalang Ane, oh, mejo kakaiba n yan ha, para walang matamaan n kapangalan,. Kung may mkapagbasa man nito n kapangalan nya, ndi po ikaw ung tinutukoy ko, kundi si Ane..hehe Base sa aking pananaliksik, Si ane ay lumaki sa isang simpleng lugar sa kanilang bayan,. Pangalawang anak ng kanyang mga butihing mga magulang, ang tatay nya n ngpupursige magtrabaho malayo sa kanila pero para sa kanila, at ang kanyang butihing ina n ngaaruga sa kanya mula pagkabata. Si Ane ay pangalawang anak, ngunit dahil namatay ang una sa kanya xa n ang tumatayong panganay sa apat n mas nkababata nyang mga kapatid,. Mula pagkabata, may mga bagay ng ngpapahawatig ng pagkakaroon niya ng kakaibang gawain. Kinukuha ni ane noon ang mga tinda ng kanyang ina, at ipinapamigay sa mga kalaro pero mas mdalas, xa ang gumagamit at nkikinabang sa mga ito. Binalewala ito ng kanyang mga magulang, dahil bata pa nga sya at kadalasan ng bata ay inosente at pinagbibigyan sa mga ksalanan dba? Ngunit pag lipas ng panahon, ngsimula ng lumala si Ane, bumabagsak na siya at madalas na ding lumiban sa klase. Dumadalas na ang mga pagkakataong may mga nawawalang mga gamit sa bahay dahil kay Ane. Kinukuha niya ang mga ito at ibinebenta,nireregalo, minsan pambayad sa kanyang mga utang, na di naman alam kung paano siya ngkakautang gayong wala nman syang importanteng pag gagamitan ng pera, sa lahat ng kanyang pagkakamali walang paltos ang kasunod na sermon,galit,pagpapaliwanag at parusa mula sa kanyang magulang, ngunit nananaig paren ang pagmamahal ng mga ito, at sa huli, iniintindi siya. Dabest tlga magmahal ang mga magulang pagdating sa kanilang mga anak diba? Gano man yan kabigat mapapatawad pa rin.

Lumipas ang panahon, natuto ng maglayas layas si Ane, na lubos ng ngpapahirap sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ina. Ilang araw ding lumalabas ng bahay ang kanyang ina, na ndi alam ang patutunguhan ngunit may iisang mithiin --ang hanapin at iuwi ang anak na si Ane. At di nagtagal, dumating nga ang araw na gusting mangyare ng kanyang pamilya –ang paguwi ni Ane, pero ksabay nito ang pinaka kinakatakutan nila. Isang gabi, umuwi si Ane kasama ang isang lalake, at ilang buwan ng buntis, para umikli ang kwento, sabihn na nating idinaan ito sa maayos na usapan. Ngpakasal ang dalawa at sa panahong magkasama sila, lahat ay masaya. Malamang ito na nga ang mgbabago kay Ane, ito na nga ang simula ng maayos at magandang buhay niya. Ang pamilya ni Ane ay pinagtitibay ng kanilang dalawang anak. Sa ilang mga taon na ito umasa ang lahat na wala ng problema, at panahon na para iwan si Ane, dahil kaya na niya mamuhay ng mag-isa na iwas sa mga problema dulot ng pagnanais humawak ng pera --un lang nman ang ngdadala sa kanya dati ng problema eh..

Pero isang araw, ikinagulat nalang ng lahat ang pagbukas ng usapin na maghihiwalay na daw si Ane at kanyang asawa at ang pinaka ugat ay ang pagbabalik ng sakit ni Ane na hindi na kinaya ng kanyang asawa. Pero epecto din sguro ito ng pagpsasama ng dalawa sa batang edad. Dahil dito wala nang nagawa ang kani-kanilang mga magulang at hindi na nga napigilan ang dalawa.

Bumalik si Ane sa kanyang ina, na laging bukas para sa tulog at support sa anak. Di na pinalaki ng mga magulang ni Ane ang problema nilang mag-asawa dahil alam na nila ang karamdaman ni Ane… na ang akala ng lahat ay wala na. Sa halip, pinag-ukulan nila ng panahon ang kanilang anak upang makabangon sa muling pagbagsak. Ang mga magulang, mga kapatid, buong pamilyang ngtutulungan upang magsikap na mabuo ang pamilya at bawat isa ay mamuhay ng maayos, sa normal na buhay.

Sa kabila ng pagsisikap ng pamilya, wala paring pagbabago, pinapakinggan sila ni Ane, walang ginagawang masama, ngunit di parin lubos na magtanggal ang karamdaman at habang tumatagal ay mas lumala ang kanyang mga napapala, dahil sa kanyang utang-takbong gawain. Dumating na din sa punto na nakulong si Ane dahil sa kanyang di pagbayad sa utang di umaano. Pero syempre naroon paren ang kanyang pamilya na tumulong sa kanya kahit sawa na sila sa mga problema at sakit ng ulo na binibigay nito. Mabait na tao si Ane, ginagawa nya ang mga trabaho sa bahay ng kusa, minsan ay siya na ang gumagawa ng mga responsibilidad ng mga kapatid niya sa bahay, ngunit nagkukulang siya sa pagiintindi sa mga mangyayari sa hinaharap bago niya ginagawa ang mga bagay na ngdadala sa kanya sa problema. Hindi siguro niya naiisip na kung itutuloy niya ang plano niya may magagalit, may mawawalan at malamang magsisisi siya sa huli. At patunay nga nito, matapos ang ilang buwan na pananahimik niya , malayo sa kanyang pamilya upang maghanap-buhay, sa pangalawang beses, umuwi siyang nagdadalang tao, ang masakit, wala siyang kasama sa ngayon, ang lalaking ama ng kanyang dinadala, na siya lang ang nkakakilala ay wala at di ngpakita, sa aking pagiintindi sa kinatatayuan ni Ane, kummulo ang dugo ko sa lalakeng iyon, kung sino man siya dahil sa pag-iwan kay Ane. Parang ginamit lang siya at sinamantala ang kahinaan nito. Sa pagpapatuloy ko sa pagbabasa ay nalaman kong tinago ni Ane ang kanyang pagbubuntis sa kanyang pamilya ngunit syempre, ito ang isang bagay na di mo maitatago sa iyong ina, lalo na kung asa isang bahay lang kayo. At sino pa nga ba ang tutulong sa kanya kundi ang natitirang mga tao na umaasang magbabago siya sa kabila ng pagtututol ng kanilang mga isipan, --ang kanyang pamilya.

Habang lumalaki ang kanyang mga anak, lalong nagiging nkakaawa ang mga ito, panu sila gagabayan ng knilang ina kung kahit ang sarili man lang niya ay hindi nya kayang disiplinahin? Sa huling problemang dulot ni Ane, na ilan sa mga bagay nanaman sa bahay ang nawawala, at sino pa nga ba ang tatanungin m kung nasaan ang mga ito? Lalo na kung sa bawat tanong kay Ane ay sasagutin sila ng pagalit na “Wala akong alam diyan!!, Hindi ko alam!! Oh di kaya ay ewan ko!” Di mo na kailangang ulitin ang tanong diba? Dalawang bagay nalang ang siguradong iisipin mo, naibenta na ba? Oh hindi pa? Nagpapasalamat ka nalang ang kanyang mga kapatid kung makikita ang kanilang mga hinahanap kinabukasan, pero kung hindi.. wala na silang aasahan pa.

Magpapasensya nlang at tanggaping naisahan nanaman sila ng kanilang ate. Kaya hindi kana mabibigla kung lahat ng bagay sa kanilang bahay at kani-kanilang kwarto ay nkalock at maiintindihan mo lang ito kung kilala mo at maiisip mo si Ane pag nakita mo ang mga lock na yan. Sa mga araw na umuuwi si Ane na bitbit ang mga grocery at pasalubong sa bawat isa lahat ay natutuwa. Lahat ay masayang tatanggapin ang mga bigay ni Ane. Ngunit sa likod ng kasiyahan ng bawat isa ay ang takot na dulot ng kanilang pagiisip sa posibleng pagsumpong ng kanyang karamdaman. Baka sa masama nanaman galing ang mga bagay na yan, oh kaya’y yan ang pinakatatago-tagong ipon ng isa kanyang mga kapatid. Napapatunayan nlang ito pagkatapos ng ilang araw kung mapag aalamang may nawawalang mahalagang bagay ang isa sa kanila, ang kanyang nanay,tatay o mga kapatid, ika nga “no excemptions” na laging ugat ng mga away sa pamilya.

Si Ane ay hindi nag-iisip ng msama sa bawat isa, oh sa kahit sino mang tao. Pero taglay nya ang isang karamdaman na ngtutulak sa kanya sa dilim. Marahil may maganda siyang nararamdaman kapag nakukuha niya ang mga gusto nya na madalas ay pera. Malamang napupuno ng pag gawa ng ganun ang mga nararamdaman niya. Oh hindi niya lang talaga niya kayang pigilan ang kanyang sarili, at kung natutuwa man siya sa paggawa nito, sigurado ako sa huli nagsisisi din siya lalo na pag nalalaman na ng mga tao.

Ngkamali nga ba ang kanyang mga magulang dahil sa hindi agad paghugas ng kanyang mga kamay nung bata pa siya? Paano mo nga ba haharapin ang karamdamang sisira sa tao at sa pamilya kung pilit itong kumakapit upang maging bahagi ng pamilya? Sa tingin mo may pag-asa pa ba siya para magbago? Ano sa tingin mo??







TO BE CONTINUED....

Formally and Legally

i can hear you saying you love me,
i can read your messages saying you love me,
most of all, feel how you love me,
and all i want is to be formally and legally..

i have really waited for this acceptance
and your decision on my chance,
expect me not to hurt you
now that I'm formally and legally..

I'll show you how i care for you,
do everything which are better for you..
I'll avoid things that will badly affect you,
my love is just for you, and only you..

maybe problems would occur but they can't hurt you,
cause I'll always be there to protect you.
I'll try to let you think no regrets
but show how much I love you..

thank you for accepting me,
formally and legally...






FORMALLY AND LEGALLY
12/26/07