Monday, February 27, 2012

Isang Mabilis na Post

Matagal ko ng di napapasyal,
itong aking likha.
Ilang ulit ng nakikita,
pare parehas na mga linya.

Nais ko mang gumawa,
dagdadagan ang mga naitala
walang namang sapat na oras
walang hanggang bukas.

Bisibisihan ang ngayon ang tema
ng buhay na tinatamasa.
konting tiis, konting sakripisyo
para sa pangarap ko.

Ngunit  mukhang ito na nga,
upang maipakitang ang blog ay buhay pa
at matakpan ang malungkot na pahina.
Isang mabilis na post itong ginawa..

Sampung minutong dumaan,
pagod ang leeg kakatingin sa orasan.
limang saktong,apat na linya
Impromtong tula'y natapos na.

Friday, September 16, 2011

KApos

Minsan minamalas tayo
at di nakukuha ang gusto.
Madalas tayong natutuwa,
kung tagumpay ating nakukuha
pero naglalaho pag kinapos na.

Kapos sa pagmamahal,
taglay ng isang umaasa
nagbibigay pagmamahal sa iba,
ngunit di nakikita ng isa.
Msakit lalo na kung sa pamilya.

Kapos sa panahon,
parang simpleng pagsubok,
pero pedeng mging gabundok,
kung hindi tututukan
at di makita ang pagtutulungan.

Kapos sa pera
isang npakaling problema
gustong mapunan ng bawat isa
dito marami ng di nagawa/nakuha
ngunit mas marami ang napasama.

Kapos sa mga karamay,
nalulungkot sa pagkakalumbay,
nsan na ang mgakaibigang tunay?
Lahat ng suliranin pag nagiisa,
madalas nawawala pag may kasama.

Kapos sa magagandang idea,
dito di na ako naniniwala.
Lahat nman ay may ibubuga
kaya bumangon at magsikap na
upang malutas ang mga problema.

Siguro tayo'y nahihirapan
dulot ng mga kakapusan
ngung mga solusyo'y nandyan lang
huwag lang nating kakalimutan:

"MGA PAGSUBOK LAMANG YAN."




Sunday, August 28, 2011

Long Distance


Tatlong buwan din tayong nagtiis magkalayo. Nagsumikap gumawa ng paraan upang makabawi sa mas mahabang panahon na tayo'y mag kawalay.



Mahigit limampung kilometrong agwat sa'yo. Long distance, pero malapit lang, dalawang oras na upo at muling magkakasama na tayo. Makakabalik tayo sa normal nating buhay, magkasama hanggang matapos ang araw. Makakapunta sa mga lugar kung saan magiging masaya, o kaya'y mas sasaya. Maiinis sa oras kung bakit ang bilis, na di man lang natin nagawa ang lahat ng nais gawin. Dali daling mag seset ulet ng tamang araw para ituloy ang kasiyahan. Magkakalayo ulit, malulungkot, pero dahil sa ideang muling magkakasama din, patuloy na lumaban sa mga pagsubok ng pagiging magkalayo. Hindi tayo mag kikita bukas, hindi sa makalawa, ngunit siguradong isa sa mga susunod na araw, o kahit sabihn mo ng sa mga susunod na linggo pag minalas, pero atleast magkikita parin.


Napatunayan naten na walang ibubuga ang layo sa tibay ng ating pagsasama.


Pero nuon yun, iba na ngayon..


Talagang sinusubok tayo ng pagkakataon. Mas malayong lugar, malayong malayong lugar at mas mahabang panahon ng paghihintay. Tama paghihintay, ngayon palang sisimulan ko ng ang pagbilang ng mga araw mula sa iyong pagbabalik sa susunod na taon, hindi para mas malungkot sa dami ng araw, linggo o buwang bibilangin ngunit para tumatak sa isipang magtatapos din ito.



Mahigit isang taong magiging malayo sa mahal ko, mahirap, pero kakayanin.




Naniniwala parin akong ang bawat paghhintay ay may kapalit na mabuting bagay. Magtulungan tayo, at maging mas positibo. Kung ano mang problema ang ating haharapin, maging matatag tayo, kampante akong kaya naten to.



Alam ko mula sa kinaroroonan mo, dinadamayan mo ako sa paghihintay sa muli nating pagsasama. Mahal na mahal kita. :)