Friday, September 16, 2011

KApos

Minsan minamalas tayo
at di nakukuha ang gusto.
Madalas tayong natutuwa,
kung tagumpay ating nakukuha
pero naglalaho pag kinapos na.

Kapos sa pagmamahal,
taglay ng isang umaasa
nagbibigay pagmamahal sa iba,
ngunit di nakikita ng isa.
Msakit lalo na kung sa pamilya.

Kapos sa panahon,
parang simpleng pagsubok,
pero pedeng mging gabundok,
kung hindi tututukan
at di makita ang pagtutulungan.

Kapos sa pera
isang npakaling problema
gustong mapunan ng bawat isa
dito marami ng di nagawa/nakuha
ngunit mas marami ang napasama.

Kapos sa mga karamay,
nalulungkot sa pagkakalumbay,
nsan na ang mgakaibigang tunay?
Lahat ng suliranin pag nagiisa,
madalas nawawala pag may kasama.

Kapos sa magagandang idea,
dito di na ako naniniwala.
Lahat nman ay may ibubuga
kaya bumangon at magsikap na
upang malutas ang mga problema.

Siguro tayo'y nahihirapan
dulot ng mga kakapusan
ngung mga solusyo'y nandyan lang
huwag lang nating kakalimutan:

"MGA PAGSUBOK LAMANG YAN."




3 comments:

Goryo said...

tama brod pagsubok lamang yan. Kaya mong taglayin ang Lakas na kakailanganin mo para mapagtagumpayan sa ang pagsubo... Makinig ka lamang sa boses ng katotohanan...

Pirate Keko said...

anak ka ng toyo. buhay ka na pala XD

adz adz said...

@ keko, pinatay mo nanaman ako ah. haha papitik pitik lang sa blog muna..haha at ikaw n ang nka face warp ang pics,. haha