Tuesday, June 2, 2009

Ang Karamdaman ni Ane

Kung makati ang kamay mo, ano b ang dapat mong gawin? Sabi nga ng mga tao sa DOH, proper hygiene lang ang pangunahing sagot sa lahat ng karamdaman, pati na sa lumalaganap na outbreak sa mundo ngaun, ang swine flu,-influenza H1N1 virus. Kaya ibig sabihin kung mkati ang kamay mu hu2gasan m lang dba?tama!

Eh panu qng ang tinutuloy kong kati ng kamay ay ndi kayang linisin ng sabon at tubig lamang,. Ang kati ng kamay n pagiging malikot.. at un na nga.. alam mo n.. tama ang iniisip m kaibigan,. Ang kati ng kamay n ndi dulot ng virus ang aking tinutukoy.. Sa aking pananaliksik at pagbabasa tungkol sa ganyang karamdaman, may nakilala ako..

Itago nlang naten xa sa pangalang Ane, oh, mejo kakaiba n yan ha, para walang matamaan n kapangalan,. Kung may mkapagbasa man nito n kapangalan nya, ndi po ikaw ung tinutukoy ko, kundi si Ane..hehe Base sa aking pananaliksik, Si ane ay lumaki sa isang simpleng lugar sa kanilang bayan,. Pangalawang anak ng kanyang mga butihing mga magulang, ang tatay nya n ngpupursige magtrabaho malayo sa kanila pero para sa kanila, at ang kanyang butihing ina n ngaaruga sa kanya mula pagkabata. Si Ane ay pangalawang anak, ngunit dahil namatay ang una sa kanya xa n ang tumatayong panganay sa apat n mas nkababata nyang mga kapatid,. Mula pagkabata, may mga bagay ng ngpapahawatig ng pagkakaroon niya ng kakaibang gawain. Kinukuha ni ane noon ang mga tinda ng kanyang ina, at ipinapamigay sa mga kalaro pero mas mdalas, xa ang gumagamit at nkikinabang sa mga ito. Binalewala ito ng kanyang mga magulang, dahil bata pa nga sya at kadalasan ng bata ay inosente at pinagbibigyan sa mga ksalanan dba? Ngunit pag lipas ng panahon, ngsimula ng lumala si Ane, bumabagsak na siya at madalas na ding lumiban sa klase. Dumadalas na ang mga pagkakataong may mga nawawalang mga gamit sa bahay dahil kay Ane. Kinukuha niya ang mga ito at ibinebenta,nireregalo, minsan pambayad sa kanyang mga utang, na di naman alam kung paano siya ngkakautang gayong wala nman syang importanteng pag gagamitan ng pera, sa lahat ng kanyang pagkakamali walang paltos ang kasunod na sermon,galit,pagpapaliwanag at parusa mula sa kanyang magulang, ngunit nananaig paren ang pagmamahal ng mga ito, at sa huli, iniintindi siya. Dabest tlga magmahal ang mga magulang pagdating sa kanilang mga anak diba? Gano man yan kabigat mapapatawad pa rin.

Lumipas ang panahon, natuto ng maglayas layas si Ane, na lubos ng ngpapahirap sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ina. Ilang araw ding lumalabas ng bahay ang kanyang ina, na ndi alam ang patutunguhan ngunit may iisang mithiin --ang hanapin at iuwi ang anak na si Ane. At di nagtagal, dumating nga ang araw na gusting mangyare ng kanyang pamilya –ang paguwi ni Ane, pero ksabay nito ang pinaka kinakatakutan nila. Isang gabi, umuwi si Ane kasama ang isang lalake, at ilang buwan ng buntis, para umikli ang kwento, sabihn na nating idinaan ito sa maayos na usapan. Ngpakasal ang dalawa at sa panahong magkasama sila, lahat ay masaya. Malamang ito na nga ang mgbabago kay Ane, ito na nga ang simula ng maayos at magandang buhay niya. Ang pamilya ni Ane ay pinagtitibay ng kanilang dalawang anak. Sa ilang mga taon na ito umasa ang lahat na wala ng problema, at panahon na para iwan si Ane, dahil kaya na niya mamuhay ng mag-isa na iwas sa mga problema dulot ng pagnanais humawak ng pera --un lang nman ang ngdadala sa kanya dati ng problema eh..

Pero isang araw, ikinagulat nalang ng lahat ang pagbukas ng usapin na maghihiwalay na daw si Ane at kanyang asawa at ang pinaka ugat ay ang pagbabalik ng sakit ni Ane na hindi na kinaya ng kanyang asawa. Pero epecto din sguro ito ng pagpsasama ng dalawa sa batang edad. Dahil dito wala nang nagawa ang kani-kanilang mga magulang at hindi na nga napigilan ang dalawa.

Bumalik si Ane sa kanyang ina, na laging bukas para sa tulog at support sa anak. Di na pinalaki ng mga magulang ni Ane ang problema nilang mag-asawa dahil alam na nila ang karamdaman ni Ane… na ang akala ng lahat ay wala na. Sa halip, pinag-ukulan nila ng panahon ang kanilang anak upang makabangon sa muling pagbagsak. Ang mga magulang, mga kapatid, buong pamilyang ngtutulungan upang magsikap na mabuo ang pamilya at bawat isa ay mamuhay ng maayos, sa normal na buhay.

Sa kabila ng pagsisikap ng pamilya, wala paring pagbabago, pinapakinggan sila ni Ane, walang ginagawang masama, ngunit di parin lubos na magtanggal ang karamdaman at habang tumatagal ay mas lumala ang kanyang mga napapala, dahil sa kanyang utang-takbong gawain. Dumating na din sa punto na nakulong si Ane dahil sa kanyang di pagbayad sa utang di umaano. Pero syempre naroon paren ang kanyang pamilya na tumulong sa kanya kahit sawa na sila sa mga problema at sakit ng ulo na binibigay nito. Mabait na tao si Ane, ginagawa nya ang mga trabaho sa bahay ng kusa, minsan ay siya na ang gumagawa ng mga responsibilidad ng mga kapatid niya sa bahay, ngunit nagkukulang siya sa pagiintindi sa mga mangyayari sa hinaharap bago niya ginagawa ang mga bagay na ngdadala sa kanya sa problema. Hindi siguro niya naiisip na kung itutuloy niya ang plano niya may magagalit, may mawawalan at malamang magsisisi siya sa huli. At patunay nga nito, matapos ang ilang buwan na pananahimik niya , malayo sa kanyang pamilya upang maghanap-buhay, sa pangalawang beses, umuwi siyang nagdadalang tao, ang masakit, wala siyang kasama sa ngayon, ang lalaking ama ng kanyang dinadala, na siya lang ang nkakakilala ay wala at di ngpakita, sa aking pagiintindi sa kinatatayuan ni Ane, kummulo ang dugo ko sa lalakeng iyon, kung sino man siya dahil sa pag-iwan kay Ane. Parang ginamit lang siya at sinamantala ang kahinaan nito. Sa pagpapatuloy ko sa pagbabasa ay nalaman kong tinago ni Ane ang kanyang pagbubuntis sa kanyang pamilya ngunit syempre, ito ang isang bagay na di mo maitatago sa iyong ina, lalo na kung asa isang bahay lang kayo. At sino pa nga ba ang tutulong sa kanya kundi ang natitirang mga tao na umaasang magbabago siya sa kabila ng pagtututol ng kanilang mga isipan, --ang kanyang pamilya.

Habang lumalaki ang kanyang mga anak, lalong nagiging nkakaawa ang mga ito, panu sila gagabayan ng knilang ina kung kahit ang sarili man lang niya ay hindi nya kayang disiplinahin? Sa huling problemang dulot ni Ane, na ilan sa mga bagay nanaman sa bahay ang nawawala, at sino pa nga ba ang tatanungin m kung nasaan ang mga ito? Lalo na kung sa bawat tanong kay Ane ay sasagutin sila ng pagalit na “Wala akong alam diyan!!, Hindi ko alam!! Oh di kaya ay ewan ko!” Di mo na kailangang ulitin ang tanong diba? Dalawang bagay nalang ang siguradong iisipin mo, naibenta na ba? Oh hindi pa? Nagpapasalamat ka nalang ang kanyang mga kapatid kung makikita ang kanilang mga hinahanap kinabukasan, pero kung hindi.. wala na silang aasahan pa.

Magpapasensya nlang at tanggaping naisahan nanaman sila ng kanilang ate. Kaya hindi kana mabibigla kung lahat ng bagay sa kanilang bahay at kani-kanilang kwarto ay nkalock at maiintindihan mo lang ito kung kilala mo at maiisip mo si Ane pag nakita mo ang mga lock na yan. Sa mga araw na umuuwi si Ane na bitbit ang mga grocery at pasalubong sa bawat isa lahat ay natutuwa. Lahat ay masayang tatanggapin ang mga bigay ni Ane. Ngunit sa likod ng kasiyahan ng bawat isa ay ang takot na dulot ng kanilang pagiisip sa posibleng pagsumpong ng kanyang karamdaman. Baka sa masama nanaman galing ang mga bagay na yan, oh kaya’y yan ang pinakatatago-tagong ipon ng isa kanyang mga kapatid. Napapatunayan nlang ito pagkatapos ng ilang araw kung mapag aalamang may nawawalang mahalagang bagay ang isa sa kanila, ang kanyang nanay,tatay o mga kapatid, ika nga “no excemptions” na laging ugat ng mga away sa pamilya.

Si Ane ay hindi nag-iisip ng msama sa bawat isa, oh sa kahit sino mang tao. Pero taglay nya ang isang karamdaman na ngtutulak sa kanya sa dilim. Marahil may maganda siyang nararamdaman kapag nakukuha niya ang mga gusto nya na madalas ay pera. Malamang napupuno ng pag gawa ng ganun ang mga nararamdaman niya. Oh hindi niya lang talaga niya kayang pigilan ang kanyang sarili, at kung natutuwa man siya sa paggawa nito, sigurado ako sa huli nagsisisi din siya lalo na pag nalalaman na ng mga tao.

Ngkamali nga ba ang kanyang mga magulang dahil sa hindi agad paghugas ng kanyang mga kamay nung bata pa siya? Paano mo nga ba haharapin ang karamdamang sisira sa tao at sa pamilya kung pilit itong kumakapit upang maging bahagi ng pamilya? Sa tingin mo may pag-asa pa ba siya para magbago? Ano sa tingin mo??







TO BE CONTINUED....

2 comments:

Meryl (proud pinay) said...

oo may pag asa pa syang magbago..lahat tayo may pag asang magbago kung gugustuhin natin...
kung un talaga ang choice natin.
pero kung ayaw e di wag.wag mong pilitin.lolz.
Kalakip ng pagbabago ...dapat ang dasal ^_^

adriyel said...

hello ate, una sa lahat salamat nman at nabasa mo khit haba2 ng kwento..hehe

tanx sa comment, at tama ka jan, everybody needs chances..hehe..^^