Pangarap - ang mga bagay na gustong makamit ng tao. Mga bagay na malamang masasabi nilang mkakakumpleto sa buhay nila, bagay na makakapagpasaya sa lahat ng tao sa paligid nila. Pero di naten maiiwasan na ilang sa mga pangaran na to ay di pedeng mangyari - mga bagay na imposible. Masakit mang isipin, mraming pangarap ang napapako - di na natutupad hanggang sa makalimutan. Kung pulitika ang usapan, talamak yan.
Imahinasyon - ang mundo na paborito kong pasyalan. Dito walang mahal na pamasahe, walang mga bilihing tumataas, walang kaguluhan, walang away, at higit sa lahat maaring mong gawin lahat ng gusto mo sa isang iglap lamang. Haay, sana pede mamuhay sa mundong ito..
Kung magkasama lang sana ang pangarap at imahinasyon sa isang mundo, wala ng taong malulungkot, lahat yayaman at mgiging bato ang pera. Kung ang buhay sana ay tulad ng isang larawan, pwedeng iedit para mpunan ang nais na kaalaman, tulad nito:

Kung ganun sana kadali ang buhay, wala ng taong magrereklamo at lahat ng gusto niya ay makukuha nya. Pero xempre, wala na taung mgagawa, siguro talagang ang imahinasyon ay para lamang sa pag aayos ng pangarap,kaya't may ganung hangganan. Kailangan parin nating tandaan..
"d maaring hanggang imahinasyon lang ang pangarap"..
IMAHINASYON AT PANGARAP
March 30, 2009
March 30, 2009
No comments:
Post a Comment