Friday, June 5, 2009

Gaano kahirap umintindi?

Gaano nga ba talaga kahirap umintindi?


Kung iintindihin naten lahat ng tao,
at mga pagkakaiba'y yayakapin natin,
tayo nga ba ay mapeperwisyo?
tayo nga ba ay lalamunin ng pang- aabuso?
sa ating bayan ano nga ba ang magiging epekto?

Kung ang buong mundo ay nagkakaintindihan.
Hiwa-hiwalay mang mga isla'y wala sanang alitan,
asaran sa inuman wala sanang pikunan,
tayong mga magkakaibigan wala sanang tampuhan,
sa anu mang lahi walang sanang diskriminasyon, laitan..

Kung lahat sana tayo ay nagkakaintindihan.
Ang lahat sa anumang bagay'y nagkakaunawaan.
Walang makakapigil sa sarap ng kasiyahan,
ang lahat ay matutuwa sa ating samahan,
iba't-ibang lahi pula,itim puti ay magmamahalan...

Upang lumaganap ang pagkakaintindihan
kelangan lang nating palawakin ang isipan,
matataas na pride simulan ng bawasan,
puso't isipay ihanda sa mga matututunan,
negatibong pananaw sa mga tao ating iwan..

Kasabay ng kagustuhan at buksan ang sarili,
sa iba't ibang kultura wag tumanggi,
mga lumang kaisipan madadagdagan ng natatangi.
Mga kaibigan hindi ba't kay dali?
Ngunit bakit kakaunti lang ang marunong umintindi?

Gano nga ba kahirap umuntindi?

9 comments:

saul krisna said...

umintindi ba kamo?

hmmmm maunawaing tao ako at walang pinapanigan... nuetral kung baga... kakampi ng lahat at kaibigan ng lahat.... teka kaaway din ng lahat ng kapitbahay ko... wahahahahaha


nice oe bro.... di papala kita na aadd... geh add na kita.... your blog deserves a spot sa mugulong blog ko.... ingat

adriyel said...

uu bro, mahirap umintindi, buti pa si santino..walang di naiintindihan...haha

salamat men sa pag add,. ingats din, musta na pala ung B sa chatbox mo?haha

saul krisna said...

si B ba kamo? ayun hinahunting ko pa din.... 2 months na niya akong ginugulo... ayaw naman makipag kita... buti yun kasi pag nag kita kami kakatayin kom yun

HOMER said...

hindi naman mahirap eh, pinapahirap lang natin dahil mahilig tayung mag-justify sa mga bagay bagay. pilit nating ginagawan ng explanation ang mga bagay nang naaayon sa kung ano ang gusto nating explanation.

salamat sa pagsuporta sa blog ko! we won! :)

Pirate Keko said...

hindi mahirap umintindi..
ang problema,
ayaw umintindi ng tao..
matalino ang tao..
hindi ito bobo para maisip ito pero ayaw lang nyang piliin ang kaayusan diba diba?


ang ganda ng tula mo...
tuloy mo lang..
nainspire tuloy ako sumulat

adriyel said...

Hi peepz..hehe

HOMER --- oi dude congrats naman at panalo, san ka papakain?hehe, any ways, ungatama ka jan,. pinapahirap lang kc talaga ng mga tao..haay :D

KEKO, ---- tanx nman daw sa compliment, mganda ba? pero mas maganda ka..hehe

SAUL, ---- oh kambal template,. eh loko pla un eh, 2 monz na? mas nauna pa xa saken d2 ah,.haha


mGA dude, ingats sa swine flu..haha chow!

Hari ng sablay said...

wer is d love ba to?hehe

sa mga makikitid ang utak mahirap ang umintindi pro hindi lahat dahil sa ating buhay may mga pagkakataong kumikitid din ang utak natin.

adriyel said...

un na nga, natumbok mu HARi,hehe
mdali lang pero may mga pagkakataon cguro talaga na di naten nagawang umintindi,. pero sana ngagawa paren nalng,.haha

Anonymous said...

後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮