Saturday, June 6, 2009

Sa aking pag-iisa..

Ilang araw na din ang nakalipas ng iwan ko ang ideyang ito sa pagigigng draft, matagal tagal bago nag level up eh. Habang iniisip ang pinaka mainam na paraan para mailabas ang mga ideya sa aking isipan, pinagmamasdan ko ang relo sa aking harapan. Mabilis ang ikot ng mga kamay at hindi ko namalayan ang mahigit isang oras kong pag-upo dito sa harapan ng kabigang computer. Ngunit ng napansin ang tuloy-tuloy na pagtakbo ng mga pointer sa orasan ay biglang naaiisip ko, ilang araw pa ba? ilang araw pa ba bago ko xa makikita?

Ilang araw na din ang nakalipas ng ihatid ko xa sa para sa bakasyon, kasabay ng lungkot sa paglayo nya ay ang aking pag-aakalang di magtatagal ang bakasyon na un. Habang dumadaan ang mga araw ay nararamdaman ko na ang aking pag-iisa, namumuhay malayo sa kinasanayang laging may kasama, laging ksama xa. Sa aking paghihintay ay lalong tumatagal ang mga araw na mas pinahirap ng problema namen sa komyunikasyon dahil sa aking kawalan ng telepono, uu tama ang nabasa mo, mabubuhay paren ang mga tang walang cellphone sa panahon ngaun,at mahirap ito..[based on experience,haha]. Habang nararamdaman ang hirap sa aming pagiging magkalayo ay mas muli pang pinahirap ng pagkakaroon namen ng kaunting di pag kakaintindihan, matapos ang isang araw na pag-inda sa sakit ng di pakikipag -usap sa taong mahal ko, tinanggap ko na ang aking pagkatalo, xempre, nagpapansin na ako,.[miss ko na talaga xa eh,^^].

Sa muling pagiging maayos ay nadama ko ang kasiyahan ng napagtanto na isang araw nalang magkikita na kami. "Sa wakas tapos na ang aking paghihirap, ito na ang aking pinakahihintay!" ang aking sigaw. Kumaripas ang takbo sa bahay upang magpadala ng mensahe sa chika. Ngunit pagdating ko sa bahay ay biglang napatigil sa breaking news sa TV. Sa pagnanais na kumalap ng mga balita at pangyayare sa mahal na bayan ay saglit na umupo ngunit biglang napatayo ng sabihing ililipat ang pasukan sa susunod na linggo. Di ko na nagawang tumawa, magdiwang o kahit ngumiti man lang, una kong naisip ang mas pinahabang paghihitay ko,pag-iisa na siguradong magiging malungkot dahil wala xa sa aking tabi. Bwisit na swine flu yan, di lang pla health ang inaapektohan, pati lovelyf.. :C eh talaga namang mahirap pag di mo makakasa ng matagal mahal mo dba? gf kung twagin ng iba..:D

Sigurado na akong di pa kame magkikita kung ganun nga, kaya't sa mga sumunod na araw ay ibinuhos ang kalungkutan sa kung ano-anong bagay. Saglit kong di naramdaman ang lungkot at pagkamiss sa mga panahong busy ako, ngunit muling nagimbal ang mundo kahapon ng pag-uwi ko pagkatapos nameng mgpakasaya sa basketball ng mabalitaan na andito pala xa, umakyat xa upang kumuha ng kaunting mga kagamitan para sa bakasyon, at ang masama dun, nang makarating sa akin ang balita ay uuwi na xa sa baba, dahil sa aking pagiging busy ay napalagpas ko ang pagkakataon upang kami ay magkita. Bumaon nlang sa aking isipan ang aking katangahan at sumigaw ng sayang!, wala na ako magagawa eh, oras na para umuwi. Kung hindi sana sa akin ay nakasama ko xa, at ito na nga, maghihintay nlang muli ako sa kanyang pagdating at sisiguraduhin ko ng andun ako para sunduin xa mula sa byahe, at walang oras na masasayang..^^


Sana nakinig nlang ako sa Gn'R, sabi nga nila, just have a little patience..

"Said woman take it slow
It'll work itself out fine
All we need is just a little patience
Said sugar make it slow
And we'll come together fine
All we need is just a little patience"