Tatlong buwan din tayong nagtiis magkalayo. Nagsumikap gumawa ng paraan upang makabawi sa mas mahabang panahon na tayo'y mag kawalay.
Mahigit limampung kilometrong agwat sa'yo. Long distance, pero malapit lang, dalawang oras na upo at muling magkakasama na tayo. Makakabalik tayo sa normal nating buhay, magkasama hanggang matapos ang araw. Makakapunta sa mga lugar kung saan magiging masaya, o kaya'y mas sasaya. Maiinis sa oras kung bakit ang bilis, na di man lang natin nagawa ang lahat ng nais gawin. Dali daling mag seset ulet ng tamang araw para ituloy ang kasiyahan. Magkakalayo ulit, malulungkot, pero dahil sa ideang muling magkakasama din, patuloy na lumaban sa mga pagsubok ng pagiging magkalayo. Hindi tayo mag kikita bukas, hindi sa makalawa, ngunit siguradong isa sa mga susunod na araw, o kahit sabihn mo ng sa mga susunod na linggo pag minalas, pero atleast magkikita parin.
Napatunayan naten na walang ibubuga ang layo sa tibay ng ating pagsasama.
Pero nuon yun, iba na ngayon..
Talagang sinusubok tayo ng pagkakataon. Mas malayong lugar, malayong malayong lugar at mas mahabang panahon ng paghihintay. Tama paghihintay, ngayon palang sisimulan ko ng ang pagbilang ng mga araw mula sa iyong pagbabalik sa susunod na taon, hindi para mas malungkot sa dami ng araw, linggo o buwang bibilangin ngunit para tumatak sa isipang magtatapos din ito.
Mahigit isang taong magiging malayo sa mahal ko, mahirap, pero kakayanin.
Naniniwala parin akong ang bawat paghhintay ay may kapalit na mabuting bagay. Magtulungan tayo, at maging mas positibo. Kung ano mang problema ang ating haharapin, maging matatag tayo, kampante akong kaya naten to.
Alam ko mula sa kinaroroonan mo, dinadamayan mo ako sa paghihintay sa muli nating pagsasama. Mahal na mahal kita. :)
11 comments:
tama tama... tiis tiis lang sabi ko nga di ba lumiliit na ang mundo... pasasaan ba at lalapit din kayo... basta hintay hintay lang... mga 48 years kaya mo? :P
Long distance relationship is indeed a challenge in a relationship. It will depend on the two people involved on how they will work it out. Kung meron nga magkakalapit pa eh, naghihiwalay din.. Hehe, I'm not discouraging, depende talaga sa invloved parties.. :)
@ Klet - isang taon lang, 1 years..hehe tama, gumagalaw ang muno, napagaralan ko yan sa tectonic plates .. haha
@ iamzennia - we're accepting the challenge ma'am, abangan ang post ko after 1 year..haha sana sana.. :))
Ako'y nasiyahan sa artikulo mo kasi first time ko makabasa ng tagalog version na blog,lol! Kapag mahal mo talaga ang isang tao,kahit ilang taon pa yan ,matitiis mo.
By the way,salamat sa pgkumento mo sa artikulo ko about "Chupacabra,Bloodsucker Creature" sa The Filipino Diaspora.
@ mtrguanlao - the photo in your post got my attention, it was scary..haha
what do you mean tagalog version? the blog title or the posts? hehe well, we always want almost everything in the Filipino way.. proud to be.. :)
wow! madrama pala buhay mo tol..heeheee...kaya mo yan! aja! ^_^
hi ruby!, hehe d nman madrama, makulay lang.. hehe salamat sa pagkomento. :)
long long distance love affair...
i can't find you anywhere...
i'll call you on the telephone...
but you're never home...
(oldies but goodies)
like yan sir goryo.. hehe
oldskul is cool..haha
Mahusay kang sumulat. Marapat lamang na ihayag ang natatangi mong blog. Kung pano dumalaw ka sa tambayan ko! kitakits.
@ shirt.qoute.toh -- salamt sir, asahan mo dadalaw din ako..
Post a Comment